dzme1530.ph

PBBM: Proceedings kay Quiboloy, magiging patas

Tinawag na pag-tail wagging o tila pagpapaspas sa batas ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagtatakda ng mga kondisyon ni Kingdom of Jesus Christ Founder Pastor Apollo Quiboloy, bago ito sumuko kaugnay ng arrest warrant dahil sa kasong Child at Sexual Abuse.

Ito ang inihayag ng Pangulo sa ambush interview sa Bacolod City, matapos itong humiling ng written guarantees na magtitiyak na hindi makikialam sa kanyang kaso ang America partikular ang Federal Bureau of Investigation, Central Intelligence Agency, at US Embassy.

Iginiit ni Marcos na hindi dapat mag-alala si Quiboloy dahil aabutin pa ng isa o ilang taon bago makapanghimasok sa kaso ang USA.

Kaugnay dito, tiniyak ni Marcos na magiging patas ang lahat ng proceedings kay Quiboloy at bibigyan din ito ng “compassion” o malasakit.

Samantala, ganito rin ang paalala ng Pangulo kay expelled Cong. Arnie Teves, kasabay ng pagsasabi na wala namang nagbabanta sa buhay nito.

 

 

About The Author