dzme1530.ph

PBBM, posibleng magkaroon ng bilateral meeting sa mga lider ng Timor Leste sa 42nd ASEAN Summit

Posibleng makipagpulong si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga lider ng Timor Leste sa harap ng nakatakdang pagdalo sa 42nd Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa Indonesia.

Sa departure speech sa Villamor Airbase sa Pasay City, ibinahagi ng pangulo na sa kauna-unahang pagkakataon ay dadalo sa ASEAN Summit ang leader ng Timor Leste bilang isang observer.

Kaugnay dito, umaasa ang pangulo sa bilateral meeting sa mga lider ng Timor Leste upang matalakay ang kanilang prospective membership sa ASEAN.

Sa ASEAN Summit ay mag-aadopt ang state leaders ng roadmap para sa full membership sa ASEAN ng Timor Leste.

Ang Timor Leste ay kasalukuyang pinamumunuan ni Prime Minister Taur Matan Ruak. —sa ulat ni Harley Valbuena

About The Author