dzme1530.ph

PBBM, pinayuhan si VP Sara na magpahinga muna sa trabaho kasabay ng kanyang kaarawan

Pinayuhan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Vice President Sara Duterte na magpakasaya at magpahinga muna sa trabaho.

Ito ay kasabay ng pagbati ni Marcos para sa kaarawan ni Duterte ngayong Mayo a-31.

Sa kanyang video message na nasa wikang Bisaya, sinabi ng chief executive sa pangalawang pangulo na bigyan muna ng oras ang kanyang sarili.

Kasabay nito’y hinimok din ni Marcos si Duterte na huwag munang intindihin ang mga “tambaloslos”.

Matatandaang una nang tiniyak ng pangulo na nananatili siyang number 1 fan ni Inday Sara at idineklara niya rin ang kanyang sarili bilang “Official BFF” nito, sa harap ng isyu ng biglang pagbibitiw ni Duterte sa Lakas CMD.

Si Duterte ay tumatayo ring DepEd Sec. ng administrasyong Marcos. —sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author