dzme1530.ph

PBBM, pinayuhan ang PMMA graduates na ipagpatuloy ang tradisyon ng kahusayan

Loading

Pinayuhan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga nagtapos sa Philippine Merchant Marine Academy (PMMA) na ipagpatuloy ang tradisyon ng kahusayan sa larangan ng maritime service.

Dumalo ang Pangulo sa commencement exercises ng Kadaligtan Class of 2025 ngayong Biyernes, kasama si Transportation Secretary Vince Dizon.

Sa kanyang talumpati, hinimok ni Marcos ang mga kadete na huwag kalimutan ang kanilang misyon, at gawing inspirasyon ang araw ng pagtatapos sa pagbibigay-liwanag kahit sa “pinakamadilim na karagatan.”

Binigyang-diin niya sa 252 graduates, na magsisilbi sa Philippine Navy, Philippine Coast Guard, at bilang merchant marines, na bagaman magkaiba ang landas na tatahakin, iisa ang kanilang “compass” patungo sa kahusayan at serbisyo.

Tiniyak din ng Pangulo na gagamitin ng Maritime Industry Authority ang lahat ng hakbang upang magbigay ng dagdag na on-board trainings at opportunities para sa kanila.

About The Author