dzme1530.ph

PBBM, pinangunahan ang selebrasyon ng ika-76 Anibersaryo ng Philippine Air Force

Dumalo si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pagdiriwang ng ika-76 na anibersaryo ng Philippine Air Force (PAF).

Dumiretso ang pangulo sa Clark Airbase sa Pampanga para sa seremonya, pagkagaling sa air force capability demonstration sa Colonel Ernesto Rabina Air Base sa Capas, Tarlac.

Binigyan ang Commander-in-Chief ng arrival honors, at kasama rin niya sina Defense Sec. Gibo Teodoro, AFP Chief of Staff General Andres Centino, PAF Commanding General Stephen Parreno, at House Speaker Martin Romualdez.

Sa gitna ng seremonya ay pinangunahan ng pangulo ang paggagawad ng parangal sa mga natatanging kawani ng PAF.

Nagpakitang-gilas din ang Air Force sa pamamagitan ng flight exhibitions kabilang ang high-speed opener pass, figure 76 formation, flyby, at final fleet pass. —sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author