Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang sectoral meeting sa Malakanyang kaugnay ng lagay ng sektor ng pangingisda sa bansa.
Sa pagpupulong sa state dining room sa Palasyo, tinalakay ang Philippine Fisheries Program at ang iba’t ibang problema sa fisheries sector.
Present sa meeting sina Executive Sec. Lucas Bersamin, Chief Presidential Legal Counsel Sec. Juan Ponce Enrile, DENR Sec. Ma. Antonia Yulo-Loyzaga, DILG Sec. Benhur Abalos, at DA Senior Undersecretary Domingo Panganiban.
Kasama rin sina DENR Undersecretary Jonas Leones, DA Undersecretary Drusila Esther Bayate, BFAR Director Demosthenes Escoto, Laguna Lake Development Authority Acting General Manager Senando Santiago, at Cooperative Development Authority Undersecretary Joseph Encabo.