dzme1530.ph

PBBM, pinangunahan ang sectoral meeeting sa Malacañang para sa pagpapalakas ng 4Ps

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang sectoral meeting sa Malacañang ngayong Martes ng umaga.

Sa nasabing pulong, tinalakay ang pagpapalakas sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps.

Present sa meeting sina Dep’t of Social Welfare and Development Sec. Rex Gatchalian, Budget Sec. Amenah Pangandaman, NEDA Sec. Arsenio Balisacan, PCO sec. Cheloy Garafil, at iba pang miyembro ng gabinete.

Mababatid na kamakailan ay iminungkahi ng Dep’t of Agriculture na gawin na lamang bigas sa halip na pera ang ibinibigay na ayuda sa 4Ps beneficiaries.

About The Author