dzme1530.ph

PBBM, pinangunahan ang pamamahagi ng E-titles sa mahigit 2,600 ARBs sa Davao

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang distribusyon ng electronic land titles sa mahigit 2,600 Agrarian Reform Beneficiaries sa Davao Region.

Sa seremonya sa Rizal Memorial Colleges Gym sa Davao City, ipinamahagi ni Marcos ang mahigit 2,500 e-titles sa mga magsasaka mula sa Davao del Norte, Davao del Sur, Davao Occidental, Davao Oriental, Davao de Oro, at Davao City.

Saklaw ng mga titulo ang kabuuang 3,500 ektarya ng lupa.

Sa kanyang talumpati, tiniyak ng Pangulo ang patuloy na pagbubuhos ng mga serbisyo at ayuda ng gobyerno para sa mga magsasaka, tungo sa kanilang paglaya sa kahirapan.

Ipinagmalaki rin nito ang naipamahaging mahigit 90,000 titulo ng lupa noong 2023, na lumabis ng 40,000 mula sa target lamang na 50,000 titles. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author