dzme1530.ph

PBBM, pinangunahan ang pagtatapos ng 224 marine students sa PMMA sa Zambales

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang ika-200 commencement exercises ng Philippine Merchant Marine Academy (PMMA) sa San Narciso, Zambales.

Nagsilbing panauhing pandangal ang Pangulo sa pagtatapos ng 224 na graduating midshipmen na bahagi ng ‘Madasiklan’ class of 2023.

Ito ay binubuo ng 97 mag-aaral na nagtapos ng Bachelor of Science in Marine Transportation, at 127 sa Bachelor of Science in Marine Engineering.

Hinirang na class valedictorian si Midshipman First Class Allan Jay Jumamoy na tubong Bohol, at ginarawan ito ng Presidential Saber at Academic Excellence Award.

Ang Madasiklan ay kumakatawan sa mga katagang “Magiting na may dangal at simbolo ng kawal ng karagatan”.

Ang Philippine Merchant Marine Academy naman ay isang pioneer institution sa maritime education sa bansa na lumilikha ng mahuhusay na mariners, chief engineers, shipping executives, at naval officers. —sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author