Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagtatapos ng unang batch ng Bangsamoro Police Basic Recruits Course (BPBRC) o batch Alpha bravo “bakas-lipi”.
Sa seremonya sa Parang, Maguindanao Del Norte ngayong Lunes ng umaga, nagtapos sa BPBRC ang kabuuang isandaang trainees, kabilang ang siyamnapu’t dalawang kalalakihan, at walong kababaihan.
Sila ay nagmula sa Moro Islamic Liberation Front at Moro National Liberation Front.
Sumailalim sila sa programang tumagal ng dalawampu’t tatlong linggo, kung saan sila ay sinanay sa pagpapatupad ng mga batas at regulasyon sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Hinirang namang top graduate si Patrolman Al Kaizar Saribon Faizal.
Ang mga nagtapos ay pansamantalang itatalaga bilang mga patrolmen at patrol women.