dzme1530.ph

PBBM, pinangunahan ang pagsira sa mga isinukong loose firearms sa Peace Offering Ceremony sa Basilan

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagwasak sa mga isinukong loose firearms sa Basilan.

Sa Panabangan si Kasanyangan o Peace Offering Ceremony sa Bayan ng Sumisip ngayong Sabado, sinaksihan ng Pangulo kasama ng mga opisyal ng Bangsamoro Gov’t ang pagsira sa 400 surrendered firearms na inararo ng pison o road roller truck.

Ang mga isinukong iba’t ibang kalibre ng baril ay nanggaling sa mga dating miyembro ng BIAF – MILF, Abu Sayyaf, at ilang sibilyan, na binigyan naman ng mga motorsiklo bilang livelihood assistance.

Sa kanyang talumpati ay sinabi ng Pangulo na marami pang kailangang gawin upang makamit ang pangmatagalang kapayapaan sa Mindanao partikular sa basilan na nagdiriwang din ng ika-50 nilang founding anniversary.

About The Author