dzme1530.ph

PBBM, pinangunahan ang paglulunsad ng bagong logo ng PAGCOR kasabay ng kanilang ika-40 anibersaryo!

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang paglulunsad ng bagong logo ng Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR).

Ito ay kasabay ng pagdiriwang ng ika-40 anibersaryo ng gaming industry regulator.

Sa seremonya sa Manila Marriott Hotel sa Pasay City, inilunsad ng Pangulo ang bagong PAGCOR logo kasama sina First Lady Liza Araneta-Marcos, House Speaker Martin Romualdez, at PAGCOR Chairman at Chief Executive Officer Alejandro Tengco.

Makikita sa bagong logo ang mga kulay na pula at asul.

Ayon sa PAGCOR, tampok sa bagong logo ang elemento ng apoy na sumisimbolo sa enerhiya, inspirasyon, passion, at transformation ng ahensya.

Kinakatawan din nito ang apoy na nagmimitsa ng pagbabago at progreso, at ang liwanag para sa paggabay at leadership na nagsisilbing patnubay sa mga tao para mahanap ang kanilang direksyon. —sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author