dzme1530.ph

PBBM, pinangunahan ang paglulunsad ng 4th Generation LRT train sets

Inilunsad na ng gobyerno ang 4th Generation Light Rail Vehicle Train Set para sa Light Rail Transit 1 (LRT-1).

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at ng Department of Transportation ang inagurasyon ng bagong train sets sa LRT 1 depot sa Baclaran, na handa nang i-deploy matapos sumailalim sa matagumpay na safety checks, inspeksyon, trial runs, at acceptance test.

Ang 4th-Gen Train Sets ay gagamitin sa LRT 1 CAVITE extension, at may kakayanan itong magsakay ng 1,388 na pasahero kada biyahe sa apat na coaches kada train set.

Mayroon itong bilis na 70 kilometers per hour, at sa oras na maging operational ay mapaiikli nito ang biyahe mula Baclaran hanggang Bacoor City sa Cavite sa 25 min., mula sa kasalukuyang 1hr and 10 min.

Tampok dito ang modernong disenyo kabilang ang kakayanang ma-monitor ang temperatura.

Angkop din ito para sa persons with disabilities dahil sa itinakdang special areas para sa wheelchairs.

Sa kanyang talumpati, inihayag ng Pangulo na sa pamamagitan ng mas mabilis at mas modernong 4th Gen Train Set ay maiibsan ang mabigat na trapiko at mababawasan ang air pollution. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author