dzme1530.ph

PBBM, pinangunahan ang nationwide launching ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair sa Camarines Sur 

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang nationwide launching ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair sa Camarines Sur.  

Sa seremonya sa Cam Sur Polytechnic Colleges sa bayan ng Nabua ngayong Sabado, inihayag ng Pangulo na ito ay isa lamang sa mga nang hakbangin ng pamahalaan upang magkaroon ng bagong pag-asa at bagong simula ang mga Pilipino.  

Sa ilalim ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair, pinagsama-sama sa isang caravan ang mga serbisyo ng iba’t ibang ahensya kabilang ang Kadiwa ng Pangulo, Passport on wheels, driver’s license registration, national ID, PAG-Ibig Fund, at National Bureau of Investigation at police clearance applications. 

Samantala, sabayan ding inilunsad ang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair sa Laoag Ilocos Norte, Tolosa Leyte, at Monkayo, Davao de Oro.  

Sinabi ni Marcos na magkakahiwalay man ang mga mga isla ng bansa ay pinagbubuklod-buklod naman tayo ng isang diwa at isang pangarap, isang Bagong Pilipinas para sa Bagong Pilipino. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News 

About The Author