Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang ika-apat na Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC) meeting sa Malacañang ngayong Martes ng umaga.
Ibinahagi ni Marcos sa kanyang Instagram stories ang litrato ng meeting kasama ang mga miyembro ng Gabinete, at mga Senador at Kongresista.
Ang LEDAC ang tumatalakay sa priority legislations ng administrasyon.
Mababatid na ipinagpaliban ang 4th LEDAC meeting noong Enero sa harap ng bangayan ng Senado at Kamara kaugnay ng Charter Change.
Sa ngayon ay hindi pa ibinahagi ang napag-usapan sa LEDAC meeting ngunit ilan sa mga kabilang sa priority bills ay ang Mandatory Reserve Officers’ Training Corps at National Service Training Program, Magna Carta of Filipino Seafarers, at Virology Institute of the Philippines Bill.