Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapatupad sa madaling panahon ng Anti-Money Laundering at Counter-Terrorism Financing Strategy.
Sa Memorandum Circular No. 37, inatasan ang lahat ng kaukulang ahensya ng Gobyerno kabilang ang Government-Owned and Controlled Corporation (GOCC) na agarang ipatupad ang mga stratehiya, plano, at programa sa ilalim ng National Anti-Money Laundering, counter-Terrorism Financing And Counter-Proliferation Financing Strategy 2023-2027.
Inutusan din ang Anti-Money Laundering Council bilang lead agency na mag-sumite ng Comprehensive Report sa Office of the Executive Secretary bago ang Disyembre 8, 2023 kaugnay ng status sa implementasyon ng Anti-Money Laundering at Counter-Terrorism Financing Strategy.
hinihikayat din ang iba pang ahensya at maging ang mga lokal na pamahalaan at pribadong sektor na suportahan ang paglaban sa Money-Laundering at Financing sa Terorismo.