Inatasan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga lokal na pamahalaan at regional offices na agahan ang pag-suspinde ng pasok sa paaralan at trabaho sa gobyerno tuwing masama ang panahon.
Ayon sa Pangulo, dapat bago matulog ang mga Pilipino ay alam na nila kung may pasok kinabukasan upang madali silang makapag-adjust.
Iginiit ni Marcos na mahirap lalo na sa mga trabahador na ma-stranded sa kanilang mga pinagta-trabahuhan.
Sinabi naman ng Pangulo na papasok na ang national gov’t sa paglalabas ng advisories kung may pasok sa mga paaralan at trabaho kapag buong bansa o isang buong rehiyon na ang apektado, at hindi na ito saklaw ng desisyon ng mga LGU.
Samantala, sa ngayon ay hindi raw muna aabalahin ng Pangulo ang NDRRMC sa kanilang trabaho sa gitna ng krisis, dahil regular naman itong nagsu-sumite ng mga report. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News