Personal na pinangangasiwaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paggawa ng kanyang talumpati, gayundin ang paghahanda para sa kanyang ika-4 na State of the Nation Address (SONA).
Sinabi ni Exec. Sec. Lucas Bersamin, na “deeply involved” ang Pangulo sa pagsusulat ng kanyang ulat sa bayan.
Aniya, itinuturing ito ng Pangulo bilang mahalagang oportunidad upang ipabatid nang direkta sa mga Pilipino ang mga hakbang at plano ng administrasyon.
Bibigkasin ni Pangulong Marcos ang kanyang ika-4 na SONA sa susunod na Lunes, July 28, sa Batasang Pambansa Complex sa Quezon City, sa pagbubukas ng first regular session ng 20th Congress.