dzme1530.ph

PBBM, patuloy na naghahanap ng bagong DA secretary

Naniniwala si Senador Imee Marcos na patuloy ang paghahanap ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ng itatalagang kalihim sa Department of Agriculture (DA).

Gayunman posibleng wala anyang gustong tumanggap sa posisyon dahil alam naman ng lahat na napakahirap ng tungkuling ito.

Ginawa ng senador ang pahayag sa gitna ng kumpirmasyon na nakausap niya ang Pangulo kaugnay sa kanyang suhestyon na unang bilhin ng gobyerno ang suplay ng bigas ng mga lokal na magsasaka bago isulong ang importasyon.

Una nang iginiit ng mambabatas na hindi dapat knee-jerk solution ang rice importation at sa halip ay ito na ang huling hakbang para matiyak ang sapat na suplay ng bigas.

Binigyang-diin ng mambabatas na mas dapat gawin ng National Food Authority ay simutin ang mga bigas ng mga magsasaka mula Luzon hanggang Mindanao bago ikunsidera ang imported rice. –sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author