dzme1530.ph

PBBM, pasisinayaan ang Mariveles-Hermosa-San Jose Power Transmission Line sa Bataan na inaasahang pakikinabangan ng 59-million users

Pasisinayaan ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Mariveles-Hermosa-San Jose Power Transmission Line sa Bataan ngayong Biyernes ng hapon.

Anumang oras ngayon ay inaasahang darating na ang Pangulo dito sa Hermosa Substation ng National Grid Corp. of the Philippines sa Bayan ng Hermosa.

Ang bagong transmission line ay may kakayanang mag-transmit ng 8,000 megawatts ng kuryente mula sa mga planta sa Bataan at Zambales.

Ginastusan ito ng kabuuang ₱20.94 B, at inaasahang pakikinabangan ito ng 59 milyong users sa Luzon.

Makakasama ng Pangulo sa seremonya sina NGCP President Anthony Almeda, NGCP Vice Chairman Henry Sy Jr., at mga lokal na opisyal.

About The Author