Walang naganap na prisoner swap sa pagitan ng Pilipinas at Indonesia kasunod ng pagkakahuli kay dismissed Bamban Tarlac mayor Alice Guo.
Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., walang opisyal na pag-uusap kaugnay ng palit-ulo dahil lumabas lamang ito sa isang artikulo sa Indonesia.
Sinabi naman ni Marcos na hindi naging madali ang pagpapauwi kay Guo, at mabuti na lamang umano ay marami silang kaibigan sa Indonesia kabilang na si Indonesian President Joko Widodo.
Kaugnay dito, napakiusapan umano ang Indonesia na hayaan ang Pilipinas na kunin si Guo.
Una nang nilinaw ng Dep’t of Justice na walang opisyal na hiling ang Indonesian gov’t sa palit-ulo sa pagitan nina Guo at ng Australian drug kingpin na si Gregor Haas na hawak ng Pilipinas. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News