dzme1530.ph

PBBM, nilinaw na walang ipatutupad na fishing ban ang gobyerno

Nilinaw ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na hindi magpapatupad ang gobyerno ng fishing ban.

Ayon sa Pangulo, hindi lamang maganda ang kanyang pagkakapaliwanag nang sabihin niya noong una ang planong fishing ban.

Sinabi ni Marcos na nais niya lamang na huwag pangisdaan ang breeding areas para dumami ang populasyon ng isda.

Iginiit pa nito na may mga mawawalan ng hanap-buhay kapag nagpatupad ng fishing ban.

Una nang sinabi ni Marcos na bumaba na ang huli ng mga mangingisda dahil nasira na ang tirahan ng mga isda. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author