dzme1530.ph

PBBM, nilinaw na walang intesyong gamitin ang state pension funds sa Maharlika Fund

Inihayag ni Pangulong Ferdinang Bongbong Marcos Jr. na wala silang intesyong gamitin ang state pension funds bilang “seed fund” ng Maharlika Investment Fund.

Ito ay makaraang pumasa sa ikatlo at huling pagbasa sa senado ang Maharlika Fund Bill.

Sa ambush interview sa anibersaryo ng GSIS, sinabi ng pangulo na hindi nila nais na kumuha ng pondo sa state pension funds para sa Maharlika.

Gayunman, sinabi ni Marcos na nakasalalay pa rin sa State Pension Fund Corporations kung magpapasiya sila na ang Maharlika Fund ay isang magandang investment.

Iginiit ni Marcos na ito ang ginagawa ng GSIS at ng iba pang korporasyon na pagpapalaki ng kanilang pondo upang matiyak na kanilang matutugunan ang lahat ng payments. —sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author