dzme1530.ph

PBBM, nilagdaan na ang batas na magpapaliban sa barangay at SK elections

Loading

Pirmado na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang batas na magpapaliban sa December 1, 2025 barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections.

Alinsunod sa Republic Act No. 12232 o The Act Setting Term of Office of Barangay Officials and Members of the Sangguniang Kabataan (SK), itinakda ang susunod na regular BSKE sa unang Lunes ng Nobyembre 2026 at kada ikaapat na taon pagkatapos nito.

Ang bagong batas na nilagdaan kahapon ay nagtatakda ng apat na taong termino para sa lahat ng halal na opisyal ng barangay at SK.

Hindi papayagan ang barangay official na magsilbi ng higit sa tatlong sunod na termino sa kaparehong posisyon, habang walang SK official ang maaaring magsilbi ng higit sa isang termino sa kaparehong posisyon.

Nakasaad din sa batas na lahat ng incumbent barangay at SK officials ay mananatili sa kanilang posisyon, maliban na lamang kung aalisin o sususpindihin sila nang may dahilan.

About The Author