dzme1530.ph

PBBM, nilagdaan ang batas na nagde-deklara ng special non-working day tuwing Feb. 24 sa Zamboanga Sibugay

Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang batas na nagde-deklara ng special non-working day sa Zamboanga Sibugay tuwing Feb. 24 ng bawat taon.

Sa Republic Act No. 12067, nakasaad na ito ay para sa founding anniversary ng Lalawigan, at tatawagin itong “Araw ng Sibugay”.

Samantala, sa Proclamation no. 740 ay idineklara ang special non-working day sa Cainta Rizal sa Dec. 2 para sa kanilang founding anniversary at Sumbingtik Festival.

Deklarado rin ang special non-working day sa Meycauayan Bulacan sa Dec. 10 at Dec. 18 sa Tuguegarao City Cagayan para sa kanilang founding anniversaries. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author