dzme1530.ph

PBBM, nilagdaan ang batas na maghahati sa 6 Brgy. sa Brgy. Bagong Silang sa Caloocan

Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang batas na maghahati sa anim na barangay sa Brgy. Bagong Silang sa Caloocan City.

Sa ilalim ng Republic Act No. 11993, hahatiin ang Brgy. Bagong Silang sa anim na independent na barangay, na tatawagin bilang Brgy. 176-a, 176-b, 176-c, 176-d, 176-e, at Brgy.  176-f.

Itatatag din ang territorial boundaries ng bawat barangay sa pamamagitan ng mga purok o phases.

Kaugnay rito, mapapasailalim sa pamamahala ng bawat barangay nang walang gastos o compensation, ang mga pampublikong imprastraktura at pasilidad na nakatayo sa saklaw nilang lupa.

Mababatid na ang Bagong Silang ay ang barangay na may pinaka-malaking populasyon sa buong Pilipinas.

Magiging epektibo ang batas 15 araw mula sa pagkakalathala nito sa Official Gazette o sa mga pahayagan.

About The Author