dzme1530.ph

PBBM, nasa Washington na para sa makasaysayang PH-US-JPN trilateral summit

Dumating na sa America si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa nakatakdang pagdalo sa makasaysayang trilateral summit ng Pilipinas, Estados Unidos, at Japan.

Bandang alas-7:47 ng gabi oras sa Washington D.C. nang lumapag ang eroplanong sinakyan ng Pangulo at ng Philippine Delegation sa John Base Andrews.

Sinalubong ito ng mga opisyal mula sa Philippine Embassy at US Government.

Sa trilateral summit na gaganapin sa White House, makakaharap ng Pangulo sina US President Joe Biden, at Japanese Prime Minister Fumio Kishida.

Inaasahan ang pagpapaigting ng trilateral cooperation ng tatlong bansa, gayundin ang ugnayan sa ekonomiya, cybersecurity, at defense at maritime cooperation.

Itataguyod din ang rule of law at rules-based international order sa Indo-Pacific region, at ang kapayapaan at freedom of navigation sa South China Sea.

About The Author