PBBM, nasa Singapore na matapos ang state visit sa Brunei

dzme1530.ph

PBBM, nasa Singapore na matapos ang state visit sa Brunei

Loading

Nasa Singapore na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., matapos ang kauna-unahan niyang state visit sa Brunei.

Sa pag-bisita sa Singapore, sasabak ang pangulo sa bilateral meeting kina Singaporean President Tharman Shanmugaratnam, Singaporean Prime Minister Lawrence Wong, at former Singapore PM Lee Hsien Loong na itong nag-imbita sa kanya.

Bukod dito, magbibigay din si Marcos ng kanyang keynote address sa Shangri-la dialogue, kung saan inaasahang babanggitin nito ang sigalot sa West Philippine Sea.

Sinabi naman ni Marcos na ang pagkakapili sa kanyang keynote speaker sa Shangri-la forum ay napakahalaga sa gitna ng kinahaharap na mga hamon ng Pilipinas, na nakaa-apekto hindi lamang sa rehiyon kundi sa buong mundo.

Kaugnay dito, tiniyak ng pangulo na bibigyang-diin niya ang tindig ng Pilipinas sa mga aspektong legal, geopolitical, at diplomasya.

About The Author