Ipinangako ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magtutuloy-tuloy ang malalaking proyektong pang-imprastraktura sa Region 4A o ang Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon.
Sinabi ng Pangulo na maganda ang economic performance ng CALABARZON at katunayan ay naungusan na nito ang Metro Manila.
Kaya naman pagbubuhusan pa aniya nila ito ng pondo upang maisulong ang iba’t ibang infrastructure projects na makakatulong pang makahiyakat ng investors.
Sa panig naman ng Alyansa senatorial bets, ipinangako ang pagsusulong ng pantay na proteksyon sa pag-unlad ng rehiyon at pangangalaga sa agrikultura.
Iginiit ni na dating DILG Sec. Benhur Abalos, Sen. Francis Tolentino at ACT-CIS Partylist Rep. Erwin Tulfo na kailangan ang national land use policy, suporta sa mga magsasaka at pagbibigay ng insentibo upang mapanatili ang mga farmland at hindi maiconvert bilang residential o commercial developments.
Sinabi rin ni Tulfo na maraming magsasaka ang nagbebenta ng kanilang lupain dahil sa mga paghihirap na kanilang dinaranas.
Binigyang-diin naman ni Abalos ang kahalagahan ng food security at self-sufficiency at maaari aniyang mangyari ito kung magkakaroon ng tax incentives upang mahikayat ang mga may-ari ng lupa na panatilihin ang kanilang mga sakahan at lupang taniman.
Kailangan din aniyang mag-invest sa mga imprastraktura para matulungan ang mga magsasaka kabilang na ang maayos na irrigation system at agricultural facilities.