dzme1530.ph

PBBM, nangakong aayusin ang nasirang seawall sa Pagudpud Ilocos Norte at napinsalang seafood industry sa Cagayan dahil sa bagyong Marce

Nangako si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na aayusin ng gobyerno ang nasirang seawall sa Pagudpud Ilocos Norte, at napinsalang kabuhayan ng mga nasa seafood industry sa Cagayan, kasunod ng pananalasa ng bagyong Marce.

Kahapon ay ininspeksyon ng Pangulo ang nasirang seawall na nasa tabi lamang ng Pagudpud National High School.

Sinabi ni Marcos na plantsado na ang pagkukunan ng pondo para sa rehabilitasyon ng nasabing seawall.

Nangako rin si Marcos na kukumpunihin ang mga napinsalang paaralan at iba pang imprastraktura sa Ilocos Norte.

Samantala, tiniyak din ni Marcos ang tulong sa pamamagitan ng Dep’t of Agriculture, para sa seafood growers sa Cagayan na nasira ang kabuhayan dahil sa bagyo.

Nag-abot din ang pangulo ng ₱50 million na tulong mula sa Office of the President para sa pamahalaang panlalawigan ng Ilocos Norte, at tigsa-sampung milyong piso para sa Aparri, Buguey, Sanchez-Mira, Santa Teresita, Baggao, Gattaran, Gonzaga, at Santa Ana sa Cagayan. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author