dzme1530.ph

PBBM, nanawagan sa mga bansa na buhusan ng pondo ang disaster risk reduction

Nanawagan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga bansa na buhusan ng pondo ang disaster risk reduction.

Sa kanyang talumpati sa 2024 Asia Pacific Ministerial Conference on Disaster Risk Reduction sa PICC sa Pasay City, inihayag ng Pangulo na dumadalas na ang mga kalamidad dahil sa climate change, at kabilang umano ang Pilipinas sa mga pinaka-nanganganib dito.

Sinabi naman ng Pangulo na bukod sa Pilipinas ay nararanasan din ito ng buong Asia-Pacific.

Kaugnay dito, kina-kailangan umano ang pagbuo ng financing mechanisms sa disaster risk reduction, kaakibat ng mga makabuluhang aksyon para sa sustainable at climate-resilient future.

Iginiit pa ni Marcos na dapat tiyakin ang access ng developing countries, least-developed countries, landlock countries, at small island developing states sa financing resources upang maisulong ang kanilang mga polisiya para sa disaster resilience. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author