Nanawagan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng paggalang sa freedom of navigation o malayang paglalayag sa kagaratan.
Ito ay kasunod ng pagkasawi ng dalawang Filipino seafarers sa missile attack ng Houthi rebels sa sinasakyan nilang merchant vessel sa Red Sea at Gulf of Aden.
Ayon sa Pangulo, nakikiisa ang Pilipinas sa panawagan ng iba’t ibang bansa na wakasan na ang sigalot, kaakibat ng buong pag-respeto sa freedom of navigation.
Tiniyak naman ni Marcos na tinututukan ng gobyerno ang kapakanan at kaligtasan ng Pinoy seafarers at iba pang Overseas Filipino Workers sa Red Sea region.
Matatandaang noong Nobyembre ay 70 Pinoy seafarers din ang dinukot ng Houthi rebels sa Red Sea.