Namigay si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng cash assistance sa nasa siyam na libong mangingisda sa Cavite na naapektuhan ng oil spill sa Bataan.
Sa seremonya sa General Trias City ngayong Miyerkules ng umaga, itinurnover ng Pangulo ang ₱161.5 million na cheke sa pamahalaang panlalawigan ng Cavite.
Tumanggap din ng tigli-limanlibong pisong tulong-pinansyal ang mga benepisyaryo mula Bacoor City, Cavite City, Kawit, Noveleta, Rosario, Tanza, Naic, Maragondon, at Ternate.
Sa kanyang talumpati, inanunsyo ng Pangulo na maaari na muling pumalaot ang mga naapektuhang mangingisda.
Tiniyak din nito ang tuloy-tuloy na pagsipsip at paglilinis sa tumagas na langis mula sa mga lumubog na oil tankers na inaasahang matatapos sa loob ng dalawang linggo.
Patuloy din ang imbestigasyon upang matukoy ang mga dapat managot sa oil spill, kaakibat ng kaukulang compensation sa mga naapektuhang mamamayan. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News