dzme1530.ph

PBBM, nalilito na sa pabago-bagong pahayag ni dating pangulong Duterte kaugnay ng Cha-Cha

Inihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na nalilito na siya sa papalit-palit na pahayag ni dating pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay matapos muling banatan ni Duterte ang isinusulong na charter change na gagamitin umano upang mapalawig ang termino ng mga nakaupong opisyal.

Sa media interview sa Germany, inihayag ng pangulo na hindi niya naiintindihan si Duterte dahil sa paiba-iba nitong pahayag.

Kaugnay dito, sinabi ni Marcos na pag-aaralan niya muna ang komento ng dating pangulo.

Matatandaang una nang sinabi ni Duterte na suportado niya ang pagbabago sa saligang batas kabilang ang pagpapalawig sa termino ng pangulo, basta’t hindi makikinabang dito ang mga kasalukuyang nakaupo sa pwesto.

About The Author