Nakisalamuha si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa overseas Filipino workers sa Singapore.
Bandang tanghali kahapon, araw ng Linggo ay sorpresang bumisita ang Pangulo sa Lucky Plaza Mall, kung saan kalimitang nagtitipon-tipon ang mga Pinoy.
Pinag-kaguluhan ang Pangulo ng mga naghihiyawang OFW, at kanya-kanya silang diskarte para makapagpa-selfie at makunan ng litrato ang chief executive.
Tumagal ng halos kalahating oras ang pag-iikot ng Pangulo sa Lucky Plaza Mall kasama sina First Lady Liza Araneta-Marcos, anak na si Joseph Simon Marcos, at si House Speaker Martin Romualdez.
Tinatayang nasa 200,000 ang mga Pinoy na naninirahan at nagtatrabaho sa Singapore. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News