dzme1530.ph

PBBM, nakipagpulong kay US Sec. of State Antony Blinken sa Malacañang; paghupa ng mga tensyon, inaasahan

Umaasa si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa paghupa ng mga tensyon sa hinaharap, kasabay ng pakikipagpulong kay US Sec. of State Antony Blinken sa Malacañang.

Sa kanyang welcome message, inihayag ng Pangulo na masaya siya sa pag-bisita ni Blinken sa harap ng malalaking pangyayari sa buong mundo, na nakaa-apekto sa dalawang bansa.

Kaugnay dito, iginiit ni Marcos na napakahalaga ng mga ginagawang aksyon ng Pilipinas at America.

Tiniyak naman ni Blinken na nananatiling higit pa sa solidong bato ang alyansa ng Pilipinas at America, na isa umanong priority ni US President Joe Biden.

Walang partikular na tensyon na binanggit ang Pangulo ngunit mababatid na ang Pilipinas ay nahaharap sa umiinit na sigalot sa West Philippine Sea laban sa China.

About The Author