dzme1530.ph

PBBM, nakipagpulong kay Singaporean PM Lee Hsien Loong sa sidelines ng F-1 Grand Prix

Nakipagpulong si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kay Singaporean Prime Minister Lee Hsien Loong sa sidelines ng Formula One Singapore Grand Prix.

Ayon sa Pangulo, naging makabuluhan ang kanyang meeting sa Singaporean leader gayundin kay Singaporean Deputy Prime Minister Lawrence Wong.

Kaugnay dito, inaasahan umano ang mas malakas na kolaborasyon ng Pilipinas at Singapore sa iba’t ibang larangan upang matugunan ang mga pangunahing global challenges.

Samantala, sinabi ni Marcos na pagkatapos ng pulong ay dumeretso sila sa panunuod ng finals ng F-1 Grand Prix kung saan nag-kampyon si Carlos Sainz ng Ferrari.

Ang F-1 grand prix ang huling aktibidad na dinaluhan ng Pangulo sa Singapore bago ito magbalik-bansa. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author