Kaagad nakipagkita si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Filipino community sa Kuala Lumpur, sa pagsisimula ng kanyang tatlong araw na state visit sa Malaysia.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ng Pangulo na obligasyon ng gobyerno ang protektahan ang interes ng mga Pinoy na naninirahan o nagtatrabaho sa Malaysia.
Nagpasalamat din si Marcos sa overseas Filipino workers dahil sa kanilang pagpapakita ng magandang reputasyon ng Pilipinas.
Pinuri nito ang kanilang sipag, katapatan, at pagiging maaasahan.
Kasabay nito’y sinabi ng Pangulo na bukod sa malaking naitutulong ng kanilang remittances, malaki rin ang kanilang naia-ambag sa pagpapatatag ng ekonomiya at lipunan ng mga pinagtatrabahuhan nilang bansa.
Samantala, ibinahagi rin ni Marcos ang ilan sa kanyang mga tinalakay sa ikalawang State of the Nation Address noong Lunes, kabilang ang nalikom na investments mula sa iba’t ibang bansa. —sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News