![]()
Nakiisa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa pagdiriwang ng Lunar New Year kasabay ng panawagan sa publiko na itambal sa pagiging positibo ang disiplina at pagpupursigi.
Sa kanyang mensahe sa pagsalubong sa Year of the Fire Horse, sinabi ng Pangulo na sinisimbolo ng kabayo ang pagkilos, katapangan at pagsulong habang ang apoy ay para sa energy at drive.
Sinabi ni Marcos na para sa maraming Pinoy, ang Lunar New Year ay season of renewal kung kailan ang mga pamilya at mga negosyo ay nagtatakda ng prayoridad at mga target tutukan.
Binigyang-diin ng Pangulo ang kahalagahang protektahan ang mga oportunidad at ang serbisyo publiko kasabay ng pagpapalakas ng productivity, value chains at inclusive communities.
