Nakalikom si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng $4 billion o P220-B na halaga ng investments para sa Pilipinas, sa nagpapatuloy na working visit sa Germany.
Sa Philippine-Germany Business Forum sa Berlin, iprinisenta sa pangulo ang walong kasunduan kabilang ang Memoranda of Agreement (MOA) sa pagitan ng Philippine at German government para sa Public Private Partnership sa rehabilitasyon, reclamation, at pagbuhay sa degraded o mga naka-tenggang lupang sakahan sa bansa.
Sinelyuhan din ang MOA para sa pagpapalawak ng kolaborasyon sa mobility solutions, software services, manufacturing, factory automation, logistics services, energy, security, at safety systems para sa mga gusali, consumer appliances, at healthcare.
Iprinisenta rin ang tatlong Memoranda of Understanding para sa pag-iinvest ng Germany sa fully integrated solar cell manufacturing facility, manufacturing facility sa automobile modification at military grade armoured personnel carriers, at pagtatatag ng data centers sa digital insurance platform para sa Pilipinas at ASEAN.
Kasama rin dito ang tatlong Letter of Intents para sa pag-develop ng training hospitals, pagbuo ng innovation think tank hub, at strategic at digital partnership sa healthcare.