dzme1530.ph

PBBM, nakaalis na patungong Indonesia para sa 42nd ASEAN Summit

Muling umalis ng bansa si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa nakatakdang pagdalo sa 42nd Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa Indonesia.

Ilang minuto pa lamang ang nakakalipas nang mag-take-off ang eroplanong sinasakyan ng pangulo at Philippine delegation mula sa Villamor Air Base sa Pasay City.

Kasama ng chief executive si First Lady Liza Araneta-Marcos, House Speaker Martin Romualdez, mga miyembro ng gabinete, at iba pang opisyal.

Sa kanyang departure speech, inihayag ng pangulo na isusulong niya ang interes ng bansa sa economic growth, food and energy security, trade and investment, paglaban sa transnational crimes tulad ng human trafficking, at proteksyon ng migrant workers.

Ang 42nd ASEAN Summit ay may temang “ASEAN Matters, Epicentrum of Growth”.

Bukod dito, dadalo rin si Marcos sa 15th Brunei Darussalam–Indonesia–Malaysia–Philippines East ASEAN Growth Area Summit, kung saan isusulong ng pangulo ang economic development at pangangalaga ng natural resources sa sub region.

Matatandaang kagagaling lamang ng pangulo sa official visit sa America at sa pagdalo sa coronation ni King Charles III sa United Kingdom. —sa ulat ni Harley Valbuena

Walang makuhang paglalarawan.

Walang makuhang paglalarawan.

About The Author