dzme1530.ph

PBBM, nais matiyak na maayos ang administrasyon sa nalalabing 3-taon ng termino

Loading

Nais lamang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na malinis ang buong gabinete nito sa mga non-performing assets para sa mas maayos na serbisyo sa publiko.

Ito ang pananaw ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada sa gitna ng direktiba ng Pangulo na magsumite rin ng courtesy resignation ang lahat ng ranking executives ng Government Owned and Controlled Corporations.

Sinabi ni Estrada na total revamp ang ginagawa ng Pangulo upang matiyak na mas mapapahusay ang paghahatid  ng mga serbisyo at pagpapatupad ng mga programa at proyekto ng kanyang administrasyon sa nalalabing tatlong taon ng kanyang termino.

Karapatan aniya ng Pangulo kung nais niyang palitan ang mga miyembro ng kanyang gabinete, mga head ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at mga namumuno sa mga GOCCs.

Naniniwala rin si Estrada na may performance audit nang ginawa ang Malakanyang kaya alam na nila kung sino ang mga dapat palitan.

About The Author