dzme1530.ph

PBBM, nais bumuo ng panibagong partnerships sa Hungary

Nais ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na bumuo ng bagong partnerships sa bansang Hungary.

Sa courtesy call sa Malacañang ni Hungarian Minister of Foreign Affairs and Trade Péter Szijjártó, inihayag ng pangulo na umaasa siyang ang komemorasyon ng ika-50 taon ng pormal na relasyon ng Pilipinas at Hungary ay lilikha ng mga oportunidad para sa panibagong mga ugnayan.

Sinabi naman ni Szijjártó na masusi itong nakikipagtulungan sa Department of Foreign Affairs upang mai-angat pa ang masiglang relasyon ng dalawang bansa, na sa mga nagdaang taon ay nagkaroon na umano ng magagandang bunga.

Makikipagtulungan din umano ito sa iba pang magagaling na kalihim ng pangulo.

Sa kasalukuyan ay may partnerships ang Pilipinas at Hungary sa Edukasyon, water technology, agrikultura, culture, at sports, at magkatuwang din nitong sinusuportahan ang demokrasya, rule of law, at international law.

About The Author