dzme1530.ph

PBBM, nagtatag ng Presidential Office for Child Protection

Itinatag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Presidential Office for Child Protection (POCP), sa harap ng tumataas na insidente ng Online Sexual Abuse and Exploitation of Children at iba pang panganib sa mga bata sa bansa.

Sa Executive Order no. 67, inatasan ang POCP na i-monitor ang mga polisiya at programa ng gobyerno sa pag-protekta sa mga menor de edad at pagtataguyod sa kanilang kapakanan, at pinatututukan ang mga hakbang laban sa Online Child Sexual Abuse at Child Trafficking.

Magsu-sumite rin ito ng mga rekomendasyon sa Pangulo, tutukoy sa priority programs, at makikipagtulungan sa mga kaukulang ahensya at civil society groups.

Ang Child Protection Body sa ilalim ng Office of the President ay pamumunuan ng itatalagang Presidential Adviser for Child Protection, na magiging miyembro na rin ng National Coordination Center, Inter-Agency Council Against Trafficking, Council for the Welfare of Children, National Council Against Child Labor, at Committee for the Special Protection of Children.

Mababatid na labis na ikina-alarma ng Pangulo ang tumaas na kaso ng Online Child Sexual Abuse and Exploitation sa bansa, at inutusan niya ang mga kaukulang ahensya na paigtingin ang kampanya laban dito.

About The Author