dzme1530.ph

PBBM, nagtatag ng inter-agency body na bubuo ng master list ng lahat ng lupain ng gobyerno

Nagtatag si Pang. Ferdinand Marcos Jr. ng inter-agency coordinating council na bubuo ng master list ng lahat ng lupain ng gobyerno.

Sa Administrative Order no. 21, nakasaad na layunin nitong matiyak ang epektibong alokasyon at paggamit ng land resources ng pamahalaan para sa national development.

Kaugnay dito, itinatag ang inter-agency body na pamumunuan ng mga kalihim ng Dep’t of Environment and Natural Resources at Dep’t of Human Settlements and Urban Development, kalihim ng Dep’t of Agriculture bilang Vice chair, at Executive secretary, DILG, solicitor general, Dep’t of Justice, Land Registration Authority, CHED, at DICT bilang mga miyembro.

Binibigyan sila ng 180 days para mag-sumite ng digital master list ng lahat ng gov’t lands kabilang ang lokasyon, total area, property classification, current actual use o kasalukuyang gamit, at iba pang mahahalagang impormasyon.

60 days naman ang ibinigay sa national gov’t agencies na may kaugnayan sa land identification at inventory, para ihanda at isumite sa inter-agency council ang kumpletong inventory ng gov’t lands.

 

About The Author