dzme1530.ph

PBBM, nagtakda ng mga bahagi ng lupa sa Pasig City bilang Information Technology Park na tatawaging Arcovia City

Nagtakda si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng mga bahagi ng lupa sa Pasig City bilang Special Economic Zone o Information Technology Park, na tatawaging Arcovia City.

Sa Proclamation No. 512, nakasaad na ang itinakdang parcels of land ay may lawak na 123,837 square meters, na nasa bahagi ng E. Rodriguez Jr. Ave. sa Brgy. Ugong.

Samantala, sa Proclamation No. 513 ay itinakda rin ang mga bahagi ng lupa sa Tanza, Cavite bilang Special Economic Zone, kasabay ng paglikha sa Metrocas Industrial Estates-Ecozone.

Ang mga kautusan ay alinsunod sa Republic Act no. 7916 o ang “Special Economic Zone Act of 1995,” na layuning isulong ang paglago ng ekonomiya sa mga kaukulang lugar.

About The Author