Nagsagawa ng aerial inspection si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Ilocos Norte, sa harap ng malawak na pinsalang iniwan ng bagyong “Julian” sa kanyang home province.
Sa nasabing inspeksyon, nakita ng Pangulo ang epekto ng bagyo kabilang ang mga umapaw na ilog.
Samantala, inispeksyon din ni Marcos ang Gabu Dike na sinira ng bagyo.
Kasunod nito ay pinangunahan ng Pangulo ang situation briefing sa Kapitolyo ng Ilocos Norte sa Laoag City, kung saan kanyang ipinatiyak ang kaukulang tulong sa mga apektadong lugar at residente.
Itinurnover din nito ang ₱100-M cheke mula sa Office of the President, bilang tulong sa Pamahalaang Panlalawigan ng Ilocos Norte. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News