dzme1530.ph

PBBM, nagpasalamat sa outgoing Japanese Amb. para sa pag-aangat ng relasyon ng Pilipinas at Japan

Nagpasalamat si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kay outgoing Japanese Ambassador to the Philippines Kazuhiko Koshikawa para sa pag-aangat sa relasyon ng Pilipinas at Japan.

Sa Farewell Call sa Malacañang, inihayag ng Pangulo na sa ilalim ng pananatili ni Koshikawa sa bansa, mula sa ekonomiya at kalakalan ay lumawak na rin ang ugnayan ng dalawang bansa sa seguridad at depensa.

Kinilala rin nito ang kontribusyon ng Japan sa Pilipinas sa mga larangan ng imprastraktura at agrikultura, at gayundin ang tulong na ibinigay nito sa Bangsamoro Region nanapakahalaga umano sa harap ng nakatakdang kauna-unahang parliamentary elections sa rehiyon.

Tiniyak naman ng papaalis na Japanese envoy na patuloy na susuportahan ng Japan ang Build, Better, More Program at Peace process sa Mindanao.

About The Author