dzme1530.ph

PBBM, nagpasalamat sa foreign diplomats para sa paggabay sa kanyang foreign trips

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang selebrasyon ng ika-125 anibersaryo ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Sa seremonya sa Malakanyang, nagbigay-pugay ang Pangulo sa mga ambassador, diplomats, at consul generals ng iba’t ibang bansa dahil sa kanilang paggabay sa kanyang foreign trips.

Pinuri ni Marcos ang kanilang pagiging propesyunal sa preparasyon sa kanyang bawat pag-bisita sa ibang bansa.

Nagpasalamat din ang chief executive para sa pagpu-pursige at husay sa trabaho para maging matagumpay ang kanyang foreign visits.

Samantala, kasabay ng anibersaryo ng DFA ay pinarangalan din ng Gawad Mabini ang mga indibidwal na may malaking nai-ambag sa foreign service ng bansa. —sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author