dzme1530.ph

PBBM, nagpahayag ng suporta sa mga Pilipinong atletang kalahok sa Paris Olympics

Nagpahayag ng suporta si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa mga Pilipinong atletang kalahok sa 2024 Paris Olympics.

Sa social media post, hinikayat ng Pangulo ang mga atleta na ipakita kung ano ang isang atletang Pinoy.

Ibinahagi rin nito ang collage ng mga atleta na ginawa niyang cover photo sa kanyang facebook page.

22 atletang Pilipino ang pasok sa Olympics, at ilan sa kanila ay nakapagpakitang-gilas na tulad ng gymnast na si Carlos Yulo na pasok na sa finals ng tatlong events.

Umusad din sa sunod na round si Joanie Delgaco sa Women’s Rowing Single Sculls, at Aira Villegas sa Women’s Boxing.

About The Author